ReviewEssays.com - Term Papers, Book Reports, Research Papers and College Essays
Search

A Philosophical Analysis of American History X

Essay by   •  September 8, 2016  •  Exam  •  1,580 Words (7 Pages)  •  1,779 Views

Essay Preview: A Philosophical Analysis of American History X

Report this essay
Page 1 of 7

Ang pangunahing disposisyon ng tao ay pangalagaan ang kaniyang sarili upang mapanatili ang kaniyang pagkatao. Sa kaniyang pananatili, inaasam niyang maging parehas sa kaniya ang iba – magkasintulad sa pag-iisip, sa paggalaw, at sa pananalita. Ito ang itinatawag ni Spinoza na conatus essendi – ang kalagayan kung saan kumikilos at lumiligid ang mundo sa sarili. Gayunpaman, maaaring magkaroon ng pagbabago ang kilos patungo sa sarili. Ayon kay Levinas, nangyayari ito sa pagharap ko sa mukha ng Iba. Namumulat ako sa pag-iral ng Iba – ang taong naiiba sa akin, hindi ko kontrolado, hindi ko maunawaan ng buo. Ang ating pakikitungo sa Iba ay nagbibigay ng karamdaman na hindi ko mauunawaan at hindi ko matutukoy kung ano meron sa Iba na nagbibigay sa akin ng ganitong karamdaman. Ito ang “allergy towards the other” ayon kay Calasanz.  

Kontra sa mga posibleng kauna-unahanang imahe nating ng allergy, hindi siya kusa na lumalayo ako Iba.  Sa pagtanto ko ng presensya ng Iba, nararanasan ko ang kapangyarihan ng Iba sa pagsabi niya ng “Thou shall not kill.” Isang utos ito ng moralidad. Isang utos ng paggalang. Higit pa sa isang utos, itinatawag tayo ng Iba na tumugon na magsisimula ng  walang hanggang responsibilidad natin sa tao. Tatalakayin natin ito gamit ng pelikulang American History X.

Si Derek Vinyard ay isang neo-nazi skinhead at sa pagiging isang neo-nazi, nagkakaroon siya ng pagtanggi sa mga taong hindi “puti.” May kapootan siya sa mga Latino, Asyano, at lalo na sa mga Amerikanong itim. Para sa kaniya, ang mga puti ang lahing may karapatan. Ipinapakita nito ang konseptong Pareho at Iba ni Levinas. Hindi kapaki-pakinabang ang mga hindi puti (Iba) kaya para sa mga neo-nazi (Pareho), mas mabuti nang mawala sila o mamatay. Matatanto rin ito sa marahas na pagtrato ni Derek sa pamiliya niya noong kumontra sila sa kaniyang mga palagay. Batay sa pilosopiya ni Levinas, ito ang kawalan ng jouissance o kawalan ng kasiyahan na nararamdaman ng tao kung nakikita ng iba ang nakikita mo. Nakatali ito sa pagiging conatus essendi. Dahil kumokontra ang pamilya ni Derek, sinigawan nalang niya sila ng “Shut up!” [1]dahil hindi siya kumportable sa mga palagay nila. Datapuwa’t, natuwa si Derek sa pagsuporta ng kaniyang kasintahan sa mga sinabi at ginawa niya. “It’s okay. I’m proud of you, baby.” 1 Isa pang halimbawa ng pagiging conatus essendi ang pagpatay ni Derek sa mga Amerikanong itim. Madali niya itong nagawa dahil para sa kaniya, nanggugulo lang sila kaya. Maliwanag na umiikot lamang ang pagunawa ni Derek sa kaniyang mundo, nililiitan ang mundo para magkasiya sa kaniyang mundo.

Nagbabago ang disposisyon ng tao sa pagtagpo ng mukha. Noong unang nakasama ni Derek si Lamont, isang Amerikanong itim na bilanggo, hindi mahirap na mapansin na iniiwasan niyang makipag-ugnayan dito. Subalit, habang lumipas ang oras, nangyari ang hindi inaasahan na makikilala ni Derek si Lamont. Sa isang eksena, pinagusapan ni Lamont ang pagkakaroon ng isang kasintahan. Ibinahagi ni Lamont ang sarili niya kay Derek sa pagkakaroon ng mas personal na usapan. Dito, namulat si Derek sa mukha. Dito nagsimula ang pagtuklas ni Derek sa mga iba’t ibang bahagi ng buhay ni Lamont – na mahilig siya sa Lakers, at kung paano siya napadpad sa bilangguan. Higit pa sa isang mukha ng Amerikanong itim ay ang isang tao na hindi posibleng maunawaan ng buo ni Derek. Isang idea na hindi nahuhuli ng ideatum – isang walang hanggan.

Ito ang mukha, yung Iba, na tumatawag sa tao na magkaroon ng walang hanggang pananagutan. Subalit, kinakailangan tumugon sa tawag na ito, sa responsibilidad na ito. Ika nga, “Responsibility includes responsiveness.[2] Nagkaroon ng pagtawag kay Derek noong nakilala niya si Lamont ng mas masinsinan. Nakita niya ang kaniyang sariling pagkukulang dulot sa kaniyang pagiging makasarili. Dahil dito, naging bukas siya sa Iba. Nagkaroon ng pagtatanggap na may Iba na hindi ko kayang hawakan. Sa salita ni Levinas, nagkaroon siya ng “Thou shall not kill” moment o “Ano ang ginagawa mo?” – huwag mo akong patayin dahil Iba ako. Ang dating pagtatanggi sa hindi puti ay naging isang pagtanggap. Hindi lang iyon, itinakwil ni Derek ang kaniyang sariling lahi. Ang lahi niya ay isang simbolo ng tahanan. Umalis si Derek sa kaniyang tahanan. Tumugon siya sa tawag ng Iba.

It is I who support the Other and am responsible for him… My responsibility is non-transferable, no one could replace me.[3] Akin at akin lamang ang aking responsibilidad. Sa parehong dako, ako lamang ang makakapagtugon sa tawag ng Iba dahil saakin siya nagpakita at bitbit ko ito. Sa pelikula, nagkaroon ng mga pagkakataon kung saan ay tinawag si Derek para tulungan si Danny at ang mga neo-nazis. Subalit, hindi kaagad tumugon si Derek. Sinabi din niya na “Danny’s not my responsibility. Am I supposed to feel guilty?1Makikita dito na may takot na nararamdaman si Derek.  Ayon kay Levinas, ang pagtugon ay isang walang hanggang trabaho. Hindi siya isang bagsakan kundi habang buhay ang responsibilidad ng tao. Lagi ako kinakailangan ng iba at dahil dito, hinding hindi ako mauubusan ng magagawa. “Responsibility is infinite as it is taken up.[4] Matatagpuan ang malalim na pagintindi ng nanay nina Derek at Danny sa kaniyang pananagutan. “You think you’re the only one doing time, Derek? You think you’re think you’re all alone? You think I’m not here with you?” 1Ang pagiging responsible ay hindi kailangan maging bongga kundi kailangan mo lang talaga maging andyan. Na makita ang iba na maranasan ang buhay nila, na andyan ka para sabihin sakanila na andyan ka. “Andito ako.” – at hindi itong madaling gawain.  

...

...

Download as:   txt (9.6 Kb)   pdf (80.3 Kb)   docx (478 Kb)  
Continue for 6 more pages »
Only available on ReviewEssays.com