Church
Essay by review • February 15, 2011 • Research Paper • 2,964 Words (12 Pages) • 4,560 Views
PAMBUNGAD
Matatagpuan sa bayan ng Baclayon sa Bohol, ang simbahan ng La Purisima Concepcion de la Virgen Maria ay tinatayang isa sa mga pinakalumang simbahan sa Pilipinas. Ang mga Heswita ang mga original na bumuo ng simbahan, ngunit noong ika-19 na siglo ay tinapos ng mga Agustinong Recoletos ang naitayo nang simbahan, sa pamamagitan ng pagdadagdag dito ng isang modernong patsada o harapan, at ng mga batong imprastraktura na ngayo'y pumapaligid na rito.
Ang Baclayon ang unang misyon na itinatag ng mga Heswita sa rehiyon. Itinalaga sa Baclayon sina Juan de Torres at Gabriel Sanchez, mga Kastilang misyonero, bilang tugon sa kahilingan ng ina ni Pedro de Gamboa na nagngangalang DoÐ"±a Catalina de BolaÐ"±os. Trabaho ni de Gamboa bilang isang encomendero na gawing Kristiyano ang mga taong naninirahan sa kanyang nasasakupang pook (reduccion); bilang kapalit, natatamasa niya, gaya ng ibang mga encomendero, ang pribilehiyong makatanggap ng ilang bahagi ng ani ng isla. Sa unang pagdating ng dalawang Heswita sa Baclayon noong Nobyembre 1596, natagpuan nila ang isang kapilyang itinayo pala para sa personal na debosyon ng mga Kastilang naninirahan doon. Di nagtagal ay itinayo ang isa pang simbahan sa nasabing bayan.
Sa Baclayon naitatag ang unang Kastilang Heswitang misyon, ngunit napilitan ang mga Heswita na ilipat ang kanilang punong-himpilan sa Loboc, isang bayang matatagpuan sa loob na bahagi ng Bohol. Takot sa mga Moro ang naging sanhi ng paglipat na ito. Bumalik sa Baclayon ang mga Heswita makalipas ang ilang taon at noong 1717, ang nasabing bayan ay naging isang parokya; dahil dito, isang bagong simbahan ang itinayo. Kurales ang pangunahing meteryales na ginamit sa pagtatayo ng simbahan. Kawayan naman ang ginamit ng mga katutubo para galawin at iposisyon ang mga kurales, at humigit-kumulang sa isang milyong puti ng itlog ang ginamit nila upang pagdikitin ang mga bato. Natapos ang simbahan noong 1727, at noong 1835, isang kampanaryo ang idinagdag dito. Nagkaroon din ang simbahan ng Baclayon ng isang bartolina na ginamit upang parusahan Ð''yung mga hindi umaayon sa mga batas ng simbahang Katoliko.
Mababatid na ipinakikita ng anyo, disenyo, at arkitektura ng Simbahan ng Baclayon kung paano iniakma ng mga sinaunang Boholano ang istilong Baroque at Neoclassical ng Europa sa kanilang lokal na materyales at yamang-likas, sa pamamagitan ng kanilang sariling sistematiko at sopistikadong teknolohiya at paraan ng paggawa.
IMPLUENSIYANG ARKITEKTURAL
Arkitekturang Romanesque ang umiiral na architectural movement sa kanlurang Europa simula noong unang bahagi ng ika-11 siglo hanggang sa gitnang bahagi ng ika-12 siglo. Dahil sa pagnanais na magkaroon ng mga simbahang matataas at hindi mabulto, ang nasabing istilo ay unti-unting binago hanggang ito'y naging arkitekturang Gothic.
Karaniwan sa mga simbahang Romanesque ang pagiging mabulto, at ang pagkakaroon ng hugis na tila isa itong krus na LatinoÐ'--may patayong sangay at isang mas maikling balagbag o halang (crosspiece) sa taas ng sentro nito. Kakikitaan ng nakaarkong bubungang yari sa bato ang nabe ng simbahan. Napapaligiran din ito ng mga daanan sa gilid o pasilyo. Mga malalaking haligi na tinatawag na piyer ang sumusuporta sa bubungan ng simbahan. Makikita rin sa pagitan ng mga piyer at mga butas sa pader ang mga arko. Mga iskulturang bato na nagpapakita ng mga karakter at mga eksena sa bibliya ang nagsisilbing dekorasyon sa mga butas sa pader at mga piyer. Maaliwalas ang pintura ng mga pader, at kakikitaan din ang mga ito ng mga relihiyosong paksa. Ang mga sumusuporta sa mga pader (buttresses) ay idinudugtong ng alinman sa halang na molde o serye ng mga arko. Huli, ipinakikilala ng mga kuwadrado o bilugang tore ang istilong ito.
Ang arkitekturang neoklasiko naman, sa kabilang banda, ay naiimpluensiyahan ng mga gusaling natagpuan sa Pompeii at Herculaneum, mga lumang siyudad sa Roma . Mapapansin na may hawig sa mga istilong Griyego at Romano ang arkitekturang ito. Natutulad ito sa arkitekturang Baroque sa paraang ang mga istrukturang neoklasiko ay mayroon ding mga serye ng mga kolumna. Naiiba lamang ito sa istilong Baroque dahil sa paggamit nito ng mas simpleng mga disenyo gaya ng parisukat at bilog, kumpara sa mga kurba.
Parehong makikita ang mga istilong Neoklasiko at Romanesque sa iba't ibang bahagi ng simbahan ng Baclayon. Bagaman nagalaw na ang Baclayon para ayusin at pagandahin, nananatili rito ang mga impluensiya ng arkitekturang Neoklasiko at Romanesque.
ANG KONSTRUKSIYON NG SIMBAHAN NG BACLAYON
Nagsimula ang pagtatayo ng Baclayon matapos maipadala sa lokal na Obispo ang isang pormal na pakiusap para sa pagpapatayo ng simbahan. Kasama sa hiling na ito ang mga plano o blueprint, isang listahan ng mga materyales na gagamitin (presupuesto), isang ulat na nagpapakita ng katayuan ng simbahan na may kasamang mga rekomendasiyon (reconocimiento), ilang impormasiyon ukol sa parokya at sa mga nakatira rito, ang pinansiyal na kalagayan ng proyekto, mga di pa nababayarang utang, at ang mga mapagkukunan ng mga pangangailangan. Dahil ang Baclayon ay encomienda ni Pedro de Gamboa, ang mga gastusin sa pagpapatayo ng simbahan ay pinaghatian ng gobyerno, ni Pedro de Gamboa bilang encomendero ng nasabing bayan, at ng katutubong komunidad.
Kurales ang namamayaning materyales na ginamit sa pagpapatayo ng Baclayon. Kinailangang ipunin ang mga kurales at hatiin ang mga ito sa mga kuwadradong bloke, at mga katutubong kalalakihan ang naatasang gumawa ng mga ito. Maingat nilang hinati ang mga kurales upang maging akma o eksakto ang mga ito sa isa't isa. Pinagpatong-patong, ginalaw, at inayos ang mga bato gamit ang kawayan. Sinimento naman ang mga nagawang bloke gamit ang pinaghalong itlog, buhangin, at iba pang madidikit na produktong lokal. Tumulong ang katutubong kababaihan at kabataan sa pagtatayo ng simbahan sa pamamagitan ng pag-iipon at pagbubuhat ng mga itlog at buhangin, at sa pamamagitan ng pagtitimpla ng mala-pandikit na material. Sinasabi ng ilan na umabot sa humigit-kumulang sa isang milyong itlog ang nagamit sa konstruksiyon ng Baclayon. Pinaniniwalaan din na tanging ang puti ng itlog ang ginamit, at na maaaring ito ang naging sanhi ng pagkakaroon ng mga Pilipino ng mga pagkaing ginagamitan ng maraming pula ng itlog, gaya ng yema at leche flan.
Binuo ang loob ng simbahan sa pamamagitan ng paghahabi ng mga piraso ng kawayan, at pagpapahid dito ng pinaghalong dayap, buhangin at tubig. Tinatawag na "wattle and daub" sa Europa, ang pamamaraang ito ay popular sa mga ibang bahagi ng kapuluan bilang tabique pampango, na ginagamit sa pagtapos ng mga itaas na bahagi ng mga krosing ng simbahan.
Hindi naging madali ang pagpapatayo ng simbahan sapagkat may mga pagsubok,
...
...