Filipino Culture
Essay by review • March 19, 2011 • Essay • 774 Words (4 Pages) • 2,677 Views
Naisulat ni Virgilio G. Enriquez na kapag tayo'y nanaliksik sa ating kultura at komunidad, mahalagang gamitin nating ang ating sariling wika. Kadalasan ay wina-walang bahala natin ang proseso ng translasyon sa tagalog at ingles. Minamaliit natin ang bawat salita na sa ating wika ay maaring magpahiwatig ng ibang kahulugan. Isa pang bagay na dapat alalahanin ay ang pagkakaroon ng stigma na nakatatak sa piling salita. Dahil siguro sa dami ng pananakop na nangyari sa ating bansa, "pre-occupation with words...pseudotranslations become associated with the Filipino word as if it is an accurate equivalent". Isang halimbawa ay kapag nagsalik ang isang Amerikano ng salitang hiya mula sa diksyonaryo ay makikita niya ang salitang shame. Sa kasamaang palad ng Amerikano, hindi lang ito ang kahulugan ng salitang hiya. Gamit ang sari-saring prefix maaaring mabigyan ng iba't ibang kahulugan ang salitang hiya. Pwede itong gamitin ng isang Pilipinong mananaliksik bilang ikinahihiya, nakakahiya o napahiya. Nagbigay pa ng isang halimbawa si Enriquez - ang salitang usap. Kapag dinagdag natin ang prefix na paki-, ang dating salitang usap ay magiging pakiusap. Malaki ang pwedeng mawala sa translasyon; kung minsan pati ang buong diwa ng salita. Kung hindi gaanong magaling at bihasa ang translator sa ating wika, baka mali ang gawin niya at gawing "please talk" dahil isang translasyon ng paki ay "please".
Sa aking karanasan, may panahon na nahihirapan akong magbahagi ng aking opinyon sa Ingles lalo na kapag kinakailangang gumamit ng mga isinasaloob at malalim na pag-iisip. Mahirap dahil nag-iisip ako gamit ang Tagalog at hindi Ingles. Tagalog ang naririnig ko sa isipan ko. Sa tingin ko hindi gaanong tugma ang sinasabi ko sa nasasaisip ko. Tulad ng sinabi ko kanina marami ang nawawala o lost in translation. Halimbawang kailangang isalik ang Ate Baby sa Ingles, paano natin gagawin ito? Isaisip na hindi siya kamag-anak, siya ay nakatatandang kaibigan. Kapag winalang bahala natin ang pagsasalik ng Ate Baby, lalabas itong Miss Baby at hindi na nito naipapahiwatig ang social connection na nabibigyang diin ng Ate Baby.
Isa pang magandang halimbawa ay bahala na. Maaring gamitin ang bahala na sa dalawang paraan; fatalistic o kaya'y katapangan. Kapag sinabi nating "Bahala na!" ang ibig sabihin natin na suko na ako at bahala na ang tadhana sa akin. O sabihin natin na "Bahala na!" at ibig sabihin na "come what may" at harapin ang ating problema kahit alam natin ng hindi natin ito kakayanin. Ginamit siguro ni Andres Bonifacio ang pangalawang "Bahala na!" Ginusto pa rin niyang kalabanin ang mga Kastila kahit na alam niyang hindi patas ang laban.
Isyu rin ang ating kasaysayan. Mahirap maalala ang lahat ng bagay na nangyari sa ating bansa bago ang pagdating ng mga colonizers. Maaaring isang dahilan ay ang ating mga libro natin sa HeKaSi na nagsisimula kay Magellan
...
...