Pamana
Essay by gdclavel • February 3, 2016 • Creative Writing • 2,790 Words (12 Pages) • 1,212 Views
Pamana
Inspired by FPJ’s Ang Probinsyano (2015)
Characters
SP01 Ricardo “Cardo” Dalisay: pulis, gwapo, action star, may paninidigan
SP01 Glenda “Glen” Corpuz: pulis, maganda, kwela, bestfriend ni Cardo
Rosa: may alam sa pagkamatay ni Pamana, maganda,
mahinhin
Victorio: itinuturong suspect sa pagpatay kay Pamana,
matanda, tila pagod pero magaling magsalita
Jonas: ang batang pamangkin ni Victorio
Hepe: hepe ng pulisya
SP01 Philip: pulis na kaibigan ni Cardo at Glen
Mga pulis
Mga reporters
Mga cameraman
“Of course, the poverty that grips much of the rural population has to be addressed as part of the big picture. When killing an endangered creature means food on the table for some people, the situation is worse than imagined” - Philippine Daily Inquirer
ACT 1
Scene 1: Presscon
Police headquarters.
(Mabilis na papasok sa stage ang ang HEPE na pinalilibutan ng mga reporters at mga cameraman. Maingay nilang tatanungin at susubukang kunan ng statement ang HEPE. Nakasunod din sa grupo ang ilang pulis na pinangungunahan si CARDO at GLEN. Si ROSA ay kasama sa taong bayan na tila nakikiisyoso. Titigil ang lahat sa gitna ng stage. Unti-unting tatahimik ang lahat sa pagsalita ng HEPE.)
HEPE
As… As far as I am concerned, catching Pamana’s killer is still a priority.
(Mabilis magsalita ang mga reporters.)
REPORTER1
Meron na po bang nakaassign na team para tumutok sa case ito, Sir?
HEPE
Yes, yes. And I am confident mabilis nilang masosolve ang kasong ito.
This team will be headed by SPO1 Ricardo Dalisay and SPO1 Glenda Corpuz.
Ask them for the details of this case.
(Pupunta na sa likod si HEPE. Sina CARDO at GLEN naman ang dadagsain ng mga reporters.)
REPORTER 2
Mam bakit po mahalaga ang kasong ito inyo bilang bahagi ng Philippine National Police?
GLEN
A...A..Ako? A…Kasi.. I believe being a police officer is bot an honor and responsibility.
I will use my boys-
(Magbubuntong hininga si CARDO at puputulin kaagad ni CARDO ang sinasabi ni GLEN.)
CARDO
Ang ibig pong sabihin ng partner ko. Ang mga agila ay may importanteng papel
sa balanse ng kalikasan. Alam niyo po, hindi ako siyentipiko. Pero ang alam ko po ito:
Ang lahat ng may buhay, mahalaga... at dapat irespeto at pangalagaan.
REPORTER3
Meron na po ba kayong lead, sir?
CARDO
Sa ngayon, wala pa. Pero makakasiguro ho kayo na gagawin namin ang lahat sa
katarungan para kay Pamana. Kung sino man ang walang awang gumawa nito,
dapat pagdusahan niya ‘to sa kulungan.
(Habang nagsasalita si CARDO, si ROSA ay tatalikod sa grupo at pupunta sa isang tabi ng stage, siya’y alalang-alala na tila may gustong sabihin. Pabulong siyang magsasalita)
ROSA
Kilala ko ang pumatay kay Pamana...
(Titingin si CARDO sa camera na hawak ng isang cameraman)
.
CARDO
Kaya naman po, pakiusap lang kung may nalalaman kayo na maaring makatulong as paghuli sa suspect, mayroon pong-
(Haharap si ROSA sa grupo at magsasalita ng mas malakas.)
ROSA
KILALA KO ANG PUMATAY KAY PAMANA!
(Matitigilan ang lahat. Pagkatapos ng ilang sandali, dudumugin si ROSA ng mga reporters at cameramen. Magkakatinginan si CARDO at GLEN. Susubukan ng ibang pulis na mapalapit kay ROSA para siya ay ihiwalay sa mga reporters.
Sa gitna ng ingay at kaguluhan, mamatay ang ilaw.)
--------------------------------------END OF SCENE--------------------------------------
Scene 2: Pagtuturo
Probinsya.
(Maririnig ang mga kuliglig at huni ng ibon. Nakaupo si Mang VICTORIO habang nagkakape sa isang dulo ng stage. Ang kasama niya, si JONAS, ay nagpaputok ng isang mahabang baril sa direksyon ng audience, tila may binabaril sa langit ngunit hindi niya matama-tamaan.)
(Putok ng baril.)
JONAS
Eh bakit niyo pa po kasi kailangan umalis?
(Di siya papansinin ni VICTORIO. Isa na namang putok ng baril.)
JONAS
Kahit po mahirap ang buhay, dapat kasi maging kontento na lang tayo sa mga nahuhulog galing langit.
(Dalawang magkasunod na putok pero tila wala pa rin siyang matatamaan. Isang malalim na buntong hininga.)
JONAS
Kilala ko na kayo, Mang Victorio, kahit di niyo sabihin, siya lang naman iniisip niyo.
Alam ko namang maiintindihan niya kung di kayo tutuloy.
(Titingnan lang siya ni VICTORIO pero di pa rin ito magsasalita. Maiinis na si JONAS. Magpapaputok siya ng apat beses pero walang natamaan. Itatapon ang baril. Tatapikin niya si VICTORIO para harapin siya. )
JONAS
Hindi na po kayo bata, Mang Victorio! Ilang buwan -
(Mabilis na tatayo si VICTORIO, mabilis na kukunin ang baril, at ekspertong ititira ang ito ng dalawang beses. Gulat na titingin si JONAS pababa, sa direksyon ng audience, na tila natamaan na ang mga ibong kanina pa inaasinta.)
VICTORIO
Wala kang karapatang pagsabihan ako ng ganyan!
(Makikita ni VICTORIO ang gulat sa mukha ni JONAS. Magiging mas malumanay ang boses nito.)
VICTORIO
Hanapin mo na yung mga yun. Kalapati lang yun.
Kung ayaw mong pumuntang bayan, ipang-ulam niyo na lang mamaya
...
...