Truth About Love
Essay by review • November 2, 2010 • Essay • 447 Words (2 Pages) • 1,553 Views
Ang Puno't Dulo ng Pag-ibig
====================
Nakakatawa talaga ang love. Isa siyang napakalaking oxymoron. Lahat ng
pwede mong masabi sa kanya, baliktarin mo man ay totoo pa rin.
Ang labo diba? Pero ang linaw.
Masaya magmahal. Malungkot magmahal. Di mo naiintindihan pero
naiintindihan mo. Walang rason. Maraming rason. Di mo na kaya, pero kaya
mo pa rin. Masakit magmahal. Pero okey lang. Leche, ano ba talaga?!
May kaibigan ako, sabi niya dati "Love is only for stupid people."
Nakakatawa kasi laude ang standing niya, pero dumating ang panahon,
na-in-love din ang hunghang. At ayun, tanga na siya ngayon. Lahat kasi ng
nahahawakan ng love nagiging oxymoron din. O kaya paminsan, nagiging moron
lang.
Hindi lang kasi basta baliktaran ang pa! g-ibig. Lahat ng bagay nababaligtad
din niya. Lahat ng malalakas na tao, humihina. Ang mayayabang,
nagpapakumbaba. Ang mga walang pakialam, nag iging Mother Teresa. Ang mga
henyo, nauubusan ng sagot. Ang malulungkot, sumasaya. Ang matitigas,
lumalambot. (At tumitigas din ang mga bagay na madalas nama'y malambot.)
Nakakatawa talaga. Lalo na kapag dumadating siya sa mga taong ayaw na
talaga magmahal. Napansin ko nga eh. Parang kung gusto mo lang ma-in-love
ulit, sabihin mo lang ang magic words na "Ayoko na ma-inlove!" biglang
WACHA! Ayan na siya. Nang-aasar. Magpapaasar ka naman.
Di ba nakakatawa rin na pagdating sa problema ng ibang tao, ang galing
galing mo? Pero pag problema mo na yung pinag-uusapan parang nawawalan ng
saysay lahat ng ipinayo mo dun sa namomroblemang tao? Naiisip mong wala
namang mali dun sa mga sinabi mo. Pero bakit parang wala ring tama?
...
...